One Nation

ONE NATION

NoyNoy Campaign Trail

Siguro ang pinaka malaking hadlang para sa pag-unlad natin ngayon ay ang dibisyon natin. Lumalabas naman ito bawa’t eleksyon, at sa tingin ko, ang dibisyon ay pulitika lang naman.

Nakikita ko sa paligid ko na ang Pilipino ay mapayapa, madaling kasama, at nakikiisa sa kanilang mga kapwa-tao. Isang napaka gandang asal ito ng mga Pinoy na bihira lang makita sa ibang bansa, and it makes me proud to be Pinoy.

Isang buwan na lang at ang mga paninira na nakikita natin sa publiko, sa text at sa internet ay inaasahan kong mawala na din, sana, dahil alam ko hindi naman ganito ang mga Pilipino.

Ngunit bakit pa natin kailangan hintayin matapos ang eleksyon bago tayo magsi-batian muli? It is now more than ever that we must come together; after all, it is one nation, one people we are fighting for.

Papayagan ba natin na sirain ng mga pulitiko ang pagkakaisa natin? Ayan naman kasi ang stratehiya nila, hindi ba? Divide and Conquer? Kaya magkaisa tayo, mga Pinoy.

Nakakataba ng puso ang mga nakaraang linggo. Napakarami ang mga nakikihalubilo sa mga sortie nina Senator Noynoy at Mar, at napakasaya ng atmosphere! Ang mga kababayan natin na nasa ibang bansa ay nakikisama sa ating pag-asa, at nagsisumula nang tumaya kay Noynoy sa kanilang balota.

Sa Manila, Davao, Cebu, nagtitipon-tipon ang mga Dilaw tuwing Biyernes at naglalakad, nagdadasal, at nagpapakasaya sa kanilang paniniwala na parating na ang panahon ng pagsikat ng araw. (Ano ag kulay ng araw kapag sumisikat? At ano ang kulay ng araw kapag lumulubog?)

Ngayon, sunod-sunod ang paglabas ng mga survey na nagsasabi lumalayo na ang agwat natin sa ating katunggali, at ang ating magiging presidente at bise-presidente na si Noy at Mar ang “most trusted candidates” sa darating na halalan!

The most important part of the survey: Noynoy Aquino is leading across all sectors across all regions. Could it be, for the first time in decades, that we have a president of all Filipinos, rich or poor, from the mountainous north, across the plains, the urban jungles, to our jewel islands and treasure trove of a south?

This would be wonderful news for our dreams of One Nation. Ipaglaban natin.

Alam kong bakasyon na tayong lahat, kaya magaan lang ang isyu natin ngayong semana santa. Have a blessed one, and have a safe trip home.

Nakikiisa,                  
Nina Sanchez    

Editor, Noy News

Explore posts in the same categories: Election Zing, The Supporters, Tidbit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: